Ayon sa ulat ni Luneza Aamasi, coordinator ng Rabies Control Program ng Department of Health, ang mga biktima ay nakilalang sina Rose May Boretan, 5 ng Poblacion, Villaviciosa; Bernie Berras, 2 ng Zone 1 Bangued; Ilardie Asia, 9 ng Palicad, Pilar at Gerardo Tuscano, 72 ng Poblacion, Pnerubia.
Hindi naman nakalagay sa ulat ang mga pangalan ng mga isinugod sa ospital na nasa malubhang kalagayan sa kasalukuyan.
Ang mga biktima ay pawang nakagat ng mga asong gala na may taglay na rabies at lalong sumama ang kalagayan ng mga ito ng dalhin sa isang tandok na diumano ay sumisipsip ng mga kamandag ng mga kagat ng aso.
Pinag-iingat ng mga awtoridad ng kalusugan ang publiko sa mga gumagalang aso habang nanawagan naman sila sa mga may-ari ng aso na itali at pabakunahan sa beterinaryo ang kanilang mga alaga. (Ulat ni Myds Supnad)