^

Probinsiya

Lalaki na nakainom ng pekeng alak nag-amok

-
DASMARIÑAS, Cavite – Isang 21 anyos na lalaki ang nag-amok at nakapatay ng kanyang kainuman matapos makainom ng apat na bote ng pekeng Emperador Brandy kamakalawa ng gabi sa loob ng bahay nito sa Bgy. Langcaan 2 ng bayang ito.

Ang biktima na namatay habang dinadala sa pagamutan sanhi ng dalawang saksak sa katawan ay nakilalang si Nestor Paulo, 41, may-asawa, karpintero at residente ng Blk. 44, Lot 22, Phase 2, Cityhomes Subd., ng nasabing lugar.

Mabilis namang nasakote ng pulisya ang suspek na si Crizandro Dolera, binata, walang trabaho at kapit-bahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na katatapos lang mag-inuman dakong alas 11:00 ng gabi ng biktima, suspek at ng ilan pang mga kapit-bahay na kung saan ay nakaubos umano ang mga ito ng apat na bote ng nasabing alak.

Nagpaalam na ang biktima sa suspek na uuwi na dahil hindi na nito kayang uminom pa.

Subalit sumunod ang suspek sa bahay ng biktima at ilang minuto ang nakalipas ay bigla na lamang umanong nagwala ang una sabay bunot ng patalim at sinaksak ang huli.

Nabatid sa mga kasamahan ng biktima na wala naman umanong pinag-awayan ang dalawa habang ito ay nag-iinuman at pinaghihinalaan na ang pekeng alak ang naging dahilan kaya nag-amok ang suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BGY

BIKTIMA

CAVITE

CITYHOMES SUBD

CRISTINA GO-TIMBANG

CRIZANDRO DOLERA

EMPERADOR BRANDY

ISANG

LANGCAAN

NESTOR PAULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with