Ang mga namatay ay nakilalang sina Noriel Abines, 33; Melchor Bracio, 26 at Roger Sabalboro, 30 pawang may mga asawa at residente ng Bgy. Gogon ng nasabing lugar.
Batay sa pagsisiyasat na isinagawa ng pulisya na dakong alas 9:45 ng umaga ay nagsagawa ng deep sea diving ang mga biktima sa naturang channel para manghuli ng mga lobsters.
Ang mga biktima ay gumagamit ng improvised compressor na pinatatakbo ng isang 16HP (Horse Power) na makina para makahinga ng matagal sa ilalim ng dagat.
Ilang minuto pa lamang ang naitatagal sa ilalim ng dagat ay sabay-sabay na nagsilutang ang mga biktima na umano ay nalason.
Napag-alaman sa pulisya na ang mga biktima ay matagal ng gumagamit ng nasabing delikadong aparato kaya may teorya na napasukan ng usok ng carbon monoxide ang hose na kanilang ginagamit bilang oxygen na naging sanhi ng kanilang pagkalason. (Ulat ni Ed Casulla)