Biyuda inutas ng pamangkin dahil sa nawawalang tuta
March 25, 2001 | 12:00am
NAGA CITY– Isang 53 anyos na biyuda ang nasawi matapos na ito ay saksakin ng kanyang pamangking dalaga nang magtalo ang mga ito ukol sa nawawalang tuta na pag-aari ng una kamakalawa ng umaga sa Zone 1, Bgy. Del Rosario ng nasabing lungsod.
Ang biktima ay nakilalang si Natividad Lizardo, negosyante, residente ng nasabing lugar na namatay habang dinadala sa pagamutan bunga ng isang saksak sa kili-kili na tumagos sa puso.
Samantala ang suspek na agad tumakas ay nakilalang si Susana dela Calsada, 18, dalaga at nakatira sa bahay ng biktima.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 8:00 ng umaga ay pinagalitan umano ng biktima ang pamangkin ukol sa kanyang mamahaling tuta na nawala na kagagawan nito.
Nangatwiran ang suspek na hindi niya kasalanan ang pagkawala ng tuta dahil lumabas ito ng bahay na hindi niya napansin.
Lalong nagalit umano ang biktima sa pangangatwiran ng pamangkin hanggang nauwi sa mainitang pagtatalo.
Nagtungo sa kusina ang suspek at kumuha ng patalim at paglabas nito ay agad inundayan ng saksak ang biktima sa nasabing parte ng katawan.
Pagkabagsak ng biktima sa sahig ay siya namang pagtakas ng suspek na patuloy na pinaghahanap ng pulisya para panagutin sa kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended