^

Probinsiya

Biyuda tinarakan sa leeg ng rapist

-
CAINTA, Rizal – Isang biyuda ang tinarakan sa leeg ng patalim ng isang lasing na lalaki matapos na tumanggi at manlaban sa tangkang panggagahasa ng huli, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.

Hindi na nagawa pang iligtas ng mga doktor sa Ryan Anthony Hospital ang biktimang nakilalang si Lina Ponce, residente ng Sitio Kapandan, Barangay San Juan sa bayang ito. Nagtamo ito ng malalim na saksak sa leeg .

Target naman ngayon ng manhunt operation ang suspect na si Rolando Pascual, alyas Rolly. Ang suspect ay sinampahan na ng kasong homicide sa Antipolo Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni PO1 Glenn del Rosario, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa isang madamong bakanteng lote sa naturang lugar.

Bisita umano si Ponce at suspect na si Pascual sa karaawan ng anak ng kapitbahay nilang si Juanito Hallandes. Dito umano nakipag-inuman ang suspect.

Dakong alas-7 ng gabi nang magpaalam umano ang suspect sa kanyang mga kainuman. Matapos ang ilang minuto, narinig umano nila ang pagsigaw ni Ponce.

Nagawa pa umanong makatakbo sa labas ng bahay ng biktima ngunit inabutan siya ng suspect sa isang madamong lugar at doon kinubabawan.

Dahil sa patuloy na panlalaban, nainis umano ang lasing na suspect at tinarakan ng patalim sa leeg ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na patalim matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTIPOLO PROSECUTOR

BARANGAY SAN JUAN

BISITA

DANILO GARCIA

JUANITO HALLANDES

LINA PONCE

ROLANDO PASCUAL

RYAN ANTHONY HOSPITAL

SITIO KAPANDAN

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with