Ex-Japayuki ginulpi, drinoga ng lover na pulis
March 21, 2001 | 12:00am
CALUMPIT, Bulacan Isang dating entertainer sa Japan ang nasa kritikal ngayong kalagayan matapos itong gulpihin ng dati niyang ka-live-in na pulis na isa umanong drug-user nang tanggihan nito ang pakiusap ng huli na sila ay magbalikan at magsamang muli, nang dumalaw ito sa kanilang bahay sa Barangay Sapang Bayan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nagmistulang lantang gulay sanhi ng mga tinamong suntok, sipa at palo ng bote ng softdrink sa ulo at sa buong katawan at walang ulirat nang isugod sa pagamutan ay nakilalang si Rosalia Lucas, 28.
Nadakip at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakilalang si SPO2 Marianito Agulto, 40, nakatalaga bilang OIC ng SWAT Team ng Station 1 ng Caloocan City Police.
Batay sa ulat na tinanggap ni Police Chief Inspector Noli Pacheco, hepe ng pulisya sa naturang bayan na dakong alas-11 ng gabi nang gulpihin ng nasabing pulis ang biktima matapos ang mainitang pagtatalo nang tumanggi ang babae sa pakiusap ng suspect na sila ay magsamang muli.
Nabatid na matagal nang nakipaghiwalay ang biktima sa pulis, dahil sa hindi na matagalan ng una ang madalas na pagwawala at pananakit ng huli sa tuwing ito ay umuuwi sa kanilang lugar lalo pa ngat nasa impluwensiya ito ng ipinagbabawal na gamot. Minsan na ring nabingit ito sa kamatayan nang barilin ng pulis at masuwerteng nadaplisan lamang siya sa hita.
Bukod sa ginawang panggugulpi sa biktima, may hinala rin ang pulisya na posibleng tinurukan din ito ng suspect ng hindi pa mabatid na gamot, dahilan sa natagpuang heringgilya at ilang maliliit na bote ng prohibited drugs na nakakalat sa loob ng kabahayan at isang bote ng softdrink na pinaniniwalaang siyang ipinalo sa ulo at katawan ng biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am