26-anyos na babae inativan, hinalay ng 3 senglot
March 20, 2001 | 12:00am
CARDONA, Rizal Bibili lamang ng pandesal ang isang 26-anyos na babae nang mapilit siyang tumagay sa inuman ng tatlong lalaki na halinhinang gumahasa sa kanya matapos na siyay mawalan ng malay dahil sa ativan na inilagay sa kanyang inumin, kahapon ng madaling araw sa bayang ito. Nakilala ang tatlong suspect na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya na si Mardy Halines, 29; Henry Gamarcha at isa pang hindi nakikilalang suspect.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang panghahalay dakong alas-4 ng madaling araw sa Barangay Looc ng nabanggit na bayan.
Lumabas umano ng kanyang bahay ang biktimang itinago sa pangalang Lorna upang bumili ng pandesal para sa kanilang almusal. Papauwi na ito nang mapadaan sa bahay ni Gamarcha na noon ay nakikipag-inuman sa dalawa pang suspect.
Pinilit umano ni Gamarcha ang biktima na tumagay ng isa na hindi naman natanggihan ng huli, subalit lingid sa kanyang kaalaman ang itinagay sa kanya ay nilagyan ng ativan dahilan upang mawalan siya ng malay.
Nagising na lamang ang biktima sa isang kubo sa liblib na lugar na doon siya halinhinang hinalay ng mga suspect.
Binanggit pa nito na , sinabi sa kanya ng mga suspect na hahayaan siyang mabuhay ngunit hindi niya dapat ibunyag kaninuman ang nangyari sa kanya. Matapos mapalaya ay agad na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima at ipinagharap ng sumbong ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest