^

Probinsiya

Doktor tinodas ng Sayyaf, isa pa dinukot

-
ZAMBOANGA CITY – Anim na maskaradong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bumaril at nakapatay sa isang doktor at nangidnap pa ng barangay captain sa bayan ng Lamitan, Basilan, ayon sa ulat ng militar.

Kinilala ni Lt. Col. Danilo Servando, spokesman ng Southern Command ang nasawing manggagamot na si Dr. Pilardo Perez, government physician, samantalang ang dinukot namang village chief ay nakilalang si Buvinto Melinto ng Maloong, Lamitan.

Binanggit pa ni Col. Servando na si Dr. Perez ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at namatay noon din.

Samantala, isa pang kasamahan ng mga biktima ang sugatang nakatakas sa kamay ng mga suspect, ito ay nakilalang si Jaime Ramos.

Sinabi naman ni Mayor Inocente Ramos ng bayan ng Lamitan na ang mga biktima ay lulan ng isang Pajero patungo sa town proper ng Lamitan ng harangin ng anim na suspect sakay ng isang Tamaraw FX dakong alas- 7 ng gabi noong nakalipas na Linggo.

Ilan sa mga suspect ang nagkomander sa sasakyan ng mga biktima at dinala ang mga ito sa Tandung Ahas Beach at doon inihayag na hostage nila ang mga biktima.

Pumalag umano si Dr. Perez dahilan naman upang agad itong barilin sa ulo ng isa sa mga suspect. Namatay noon din ang doktor.

Sinamantala naman ni Ramos ang komosyon at nakuha nitong makatakas kasama ang isa pang babae.

Si Melinto ay tuluyang dinala ng mga suspect sa Barangay Ulami ng nabanggit ding bayan.

Habang sinusulat ang balitang ito, sinabi ni Mayor Ramos na wala pa silang natatanggap na anumang demands buhat sa mga suspect.

Gayunman, binanggit sa isang intelligence report na ang grupo ng ASG sa pangunguna nila Isnilon Hapilon at Khadafy Janjalani ay nagbabalak muli na mandukot ng mga prominenteng pamilya at mga negosyante sa lalawigan ng Basilan.(Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY ULAMI

BASILAN

BUVINTO MELINTO

DANILO SERVANDO

DR. PEREZ

DR. PILARDO PEREZ

ISNILON HAPILON

LAMITAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with