Sekyu natakot masermunan ng amo, nagbaril sa sarili
March 15, 2001 | 12:00am
IMUS, Cavite Dahil sa matinding takot na masermunan ng kanyang amo makaraang magkaroon ng nakawan sa binabantayan nitong establisimento, nagpasya na lamang na magbaril sa sarili ang isang 30-anyos na sekyu sa loob ng pinapasukan nito sa Melloville Building, Aguinaldo Highway, Barangay Anabu sa bayang ito, kahapon ng madaling araw.
Ang sekyu na natagpuang nakahandusay sa loob ng establisimentong binabantayan nito at hawak pa ang baril na ginamit sa pagpapatiwakal ay nakilalang si Joselito Mardo, security guard sa Melloville Building ng Sharp Service Center.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Carlito Gener, may hawak ng kaso na dakong alas-5 ng madaling araw ng matagpuan ang bangkay ni Mardo na may tama ng bala ng baril sa sentido. Tangan pa nito ang isang cal. 38 na baril na sinasabing ginamit sa pagpapakamatay.
Nakuha rin sa tabi nito ang dalawang suicide note, ang isa ay para sa kanyang pamilya at ang isa naman ay para sa kanyang amo.
Nakasaad sa liham ang paghingi nito ng tawad sa kanyang pamilya, gayundin din sa kanyang amo dahil sa naging kapabayaan niya sa trabaho dahilan upang mapasok ng magnanakaw ang naturang establisimento ilang araw bago naganap ang pagpapatiwakal.
Nabatid sa kasamahan nitong isa ring sekyu na matindi umano ang naramdamang takot ni Mardo sa kanilang amo dahil sa naganap na nakawan.
Gayunman, sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may naganap na foul play sa naturang insidente. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am