Base sa nakarating na report sa Camp Aguinaldo kahapon, dalawang team mula sa 104th Infantry Brigade at dalawang platoons mula sa Jolo Internal Defense Forces ang narekober ng tropa ng pamahalaan sa isinagawang operasyon sa Jolo Wharf dakong alas-8:25 ng gabi kamakalawa.
Ang nasabing search operation ay isinagawa laban sa mga lalaking pasahero na lulan ng M/V Farida, M/L Adiana at M/L Arsenia na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 13 revolvers, limang 45 caliber pistols, dalawang garand rifles, isang M14 rifle at isang M16 rifle.
Napag-alaman na ang tatlong barko ay mula sa Bongao, Tawi-Tawi ng maispatan ng mga nagpapatrulyang elemento ng pamahalaan.
Sa isinagawang imbestigasyon, iginiit ng mga pasahero na silay dadalo sa koronasyon ng isang kinilala sa pangalang Ismael Kiram at ng nakababata nitong kapatid na si Mahakuttah Kiram, kasalukuyang Sultan ng Sulu.
Ang mga nakumpiskang armas ay inilagak na sa Armys headquarters sa Jolo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)