Pulis vs holdaper: 2 sugatan
March 12, 2001 | 12:00am
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite Dalawang holdaper na nangholdap ng dalawang negosyanteng bombay ang nasa kritikal na kalagayan matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis sa Congressional Avenue,Bgy. Gregoria De Jesus kahapon ng umaga.
Ang dalawang suspek na kasalukuyang nakaratay sa pagamutan at binabantayan ng mga pulis ay nakilalang sina Joel Marasigan, 33, binata at Winston Barba, 21 binata na pawang residente ng Bayabas St., Taguig, Metro Manila.
Si Marasigan ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita habang si Barba naman ay sa puwet.
Ayon kay P/Supt. Conrado Gongon, hepe ng pulisya na bago naka-engkuwentro ng kanyang mga tauhan ang dalawang suspek, hinoldap ng mga ito sina Balbir Singh, 46, residente ng Bgy. Maderan, GMA at pinsan nitong si Ranjit, 23, ng Bgy. San Jose, Biñan, Laguna dakong alas 10:30 ng umaga.
Nakatangay ang mga suspek ng halagang P21,500 at mabilis na tumakas.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek na ang dalawang biktima ay nagtungo sa himpilan ng pulisya at sinabi na ang mga suspek ay nagbabalak pang magsagawa nang panghoholdap.
Kumilos agad ang mga tauhan ni Gongon at kanilang naabutan ang mga suspek sa Congressional Avenue na agad binaril ang mga humahabol na mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang dalawang suspek sa nasabing parte ng katawan na kanilang ikinaaresto. (Ulat nina Ed Amoroso at Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am