^

Probinsiya

Dayuhang trader tinodas sa loob ng kanyang bahay

-
Isang negosyanteng Pakistani national ang nasawi matapos pagpapaluin ng matigas na bagay sa ulo ng hindi pa nakilalang salarin na pumasok sa tahanan nito sa Dumarao, Capiz kamakalawa ng gabi.

Sabog ang bungo ng biktima na nakilalang si Mohamad Mahmood Langah, 48 ng matagpuang nakahandusay sa kanilang silid ng kanyang Pilipinang asawa na nakilalang si Marites Lumawag Langah, 38 na kasalukuyang nagta-trabaho bilang domestic helper.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame ang insidente ay naganap sa loob ng silid ng biktima sa kanilang tahanan sa Poblacion Ilaya, Dumarao ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na dakong 6:00 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Dumarao Police Station mula sa hindi nagpakilalang kapitbahay ng biktima hinggil sa nangyaring insidente.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at natagpuan ang duguang bangkay ng banyaga sa loob ng silid nito. Ang bangkay ng biktima ay mabilis na dinala sa Porras Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nawawala ang may P1,500, ilang daang US dollars na nakalagay sa natagpuang pitaka at maging ang dalawang mamahaling relo ng biktima.

Naniniwala ang mga pulis na kasalukuyang natutulog ang biktima nang hatawin ng matigas na bagay ng salarin ang ulo ng huli at dahil dito’y hindi na nito nagawa pang lumaban. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

BIKTIMA

CAMP CRAME

DUMARAO

DUMARAO POLICE STATION

JOY CANTOS

MARITES LUMAWAG LANGAH

MOHAMAD MAHMOOD LANGAH

POBLACION ILAYA

PORRAS FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with