Sinabi ni Phil. Army Spokesman, Lt. Col. Anthony Alcantara na nakahanda silang makipagtulungan sa pulisya sa isinasagawang imbestigasyon para malinawan ng taumbayan kung ano ang naganap sa sagupaan sa nasabing lugar.
Matatandaang si Martin ay nasugatan sa isang chance encounter sa pagitan ng tropa ng 8th Scout Ranger Company sa ilalim ng 3rd Special Scout Ranger Batallion sa pamumuno ni 1 Lt. Warren Lee Dagupon at ng mahigit 20 rebeldeng NPA. Bagaman nabawi si Martin ay namatay rin ito pagkalipas ng ilang oras sanhi ng pagkaubos ng dugo.
Pumayag na rin ang biyuda ni Martin na si Nenita na magsagawa ng imbestigasyon ang PNP hinggil sa tunay na naganap sa sinasabi ng militar na chance encounter na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Nabatid na natanggap na rin ni Acting PNP chief Deputy Director General Leandro Mendoza ang kautusan mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magsasagawa na ng pakikipag-koordinasyon ang Police Regional Office (PRO) 4 sa pangunguna ni Chief Supt. Domingo Reyes sa mga militar na nakatalaga sa Southern Tagalog upang maumpisahan na ang imbestigasyon. (Ulat ni Joy Cantos)