^

Probinsiya

Militar handa sa imbestigasyon sa pagkamatay ni P/Insp. Martin

-
Bukas ang Phil. Army sa anumang imbestigasyon na isasagawa ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa tunay na pangyayari sa pagkamatay ng prisoner of war (POW) na si P/Chief Inspector Abelardo Martin ilang oras matapos itong mabawi ng militar sa kamay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabundukan ng Gen. Nakar, Quezon kamakailan.

Sinabi ni Phil. Army Spokesman, Lt. Col. Anthony Alcantara na nakahanda silang makipagtulungan sa pulisya sa isinasagawang imbestigasyon para malinawan ng taumbayan kung ano ang naganap sa sagupaan sa nasabing lugar.

Matatandaang si Martin ay nasugatan sa isang ‘‘chance encounter’’ sa pagitan ng tropa ng 8th Scout Ranger Company sa ilalim ng 3rd Special Scout Ranger Batallion sa pamumuno ni 1 Lt. Warren Lee Dagupon at ng mahigit 20 rebeldeng NPA. Bagaman nabawi si Martin ay namatay rin ito pagkalipas ng ilang oras sanhi ng pagkaubos ng dugo.

Pumayag na rin ang biyuda ni Martin na si Nenita na magsagawa ng imbestigasyon ang PNP hinggil sa tunay na naganap sa sinasabi ng militar na ‘‘chance encounter’’ na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Nabatid na natanggap na rin ni Acting PNP chief Deputy Director General Leandro Mendoza ang kautusan mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magsasagawa na ng pakikipag-koordinasyon ang Police Regional Office (PRO) 4 sa pangunguna ni Chief Supt. Domingo Reyes sa mga militar na nakatalaga sa Southern Tagalog upang maumpisahan na ang imbestigasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANTHONY ALCANTARA

ARMY SPOKESMAN

CHIEF INSPECTOR ABELARDO MARTIN

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DOMINGO REYES

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with