^

Probinsiya

Killer ng 3 katao sa Cavite nasakote sa Masbate

-
PLACER, Masbate – May dalawang taong nagtago sa kamay ng batas ang isang suspek na pumatay ng tatlo katao sa Silang, Cavite ang nasakote ng mga tauhan ng Placer PNP kamakalawa.

Kinilala ang matagal ng wanted ng batas na si Danilo Saot na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Ma. Victoria Tesorero ng 2nd MTC Silang-Amadeo, Cavite.

Napag-alaman na ang suspek ay may kasong kriminal no. CS-99-137 na multiple murder na tumakas sa lalawigan ng Cavite at halos dalawang taon nagtago sa probinsiya ng Masbate.

Nabatid na ang mga pinatay nito ay nakilalang sina Elmo Almocera Sr., Elmo Almocera Jr. at Danilo Moya ng Barangay Saging, Silang Cavite.

Nabatid pa na ang krimen ay naganap noong Marso 2, 1999 dakong alas-7:00 ng gabi ng sabay-sabay na pagpapatayin ng suspek ang tatlong biktima at pagkatapos ay nagtago na ito.

Nahuli ang suspek dahil lamang sa isang kaguluhan nang ito ay malasing at magwala sa isang inuman kaya ito ay dinala sa presinto.

Laking gulat na lamang ng mga awtoridad nang kanilang malaman na ang kanilang nahuli ay matagal na palang wanted sa batas na nagtatago sa naturang lugar.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nakakulong na sa Municipal Jail ng Placer at hinihintay na lamang ang mga miyembro ng Silang PNP para sunduin ito at dalhin sa naturang lugar para harapin ang kasong multiple murder na kinakaharap nito. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY SAGING

CAVITE

DANILO MOYA

DANILO SAOT

ED CASULLA

ELMO ALMOCERA JR.

ELMO ALMOCERA SR.

JUDGE MA

MASBATE

MUNICIPAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with