^

Probinsiya

Amerikanong wanted sa droga, nasakote

-
Bumagsak sa mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at Benguet Provincial Police ang isang Amerikanong wanted sa bansa dahil sa kasong drug trafficking at nagmamay-ari ng isang marijuana plantation sa Ilocus Sur sa isinagawang operasyon sa isang liblib na lugar sa nasabing lalawigan.

Kinilala ni PAOCTF Chief Director Hermogenes Ebdane ang naarestong suspek na si Thomas Scott Crossland, 36, tubong Muskogee,Oklahoma at kasal sa isang Filipina na nakilalang si Eleta Tacia.

Kasabay nito ay umaabot sa 20,000 mga tanim na marijuana at 2,500 seedlings na umaabot sa halagang P2.4 milyon ang nasamsam ng mga awtoridad sa plantasyon ni Crossland.

Ayon kay Ebdane na simula pa noong Pebrero noong nakaraang taon ay pinaghahanap na sa bansa ang banyagang suspek na may kasong conspiracy to manufacture Mathemphetamine and possesion of a listed chemical sa US court.

Nabatid na ang mismong US Department of Justice sa pamamagitan ng US Embassy na nakabase sa Maynila ang humingi ng tulong sa mga awtoridad sa bansa para maaresto ang suspek.

Una nang nagsagawa ng operasyon ang PAOCTF at Ilocus Sur PNP sa bahay ng asawang Pinay ni Crossland sa isang barangay sa Sto. Domingo, Ilocus Sur at dito ay nadiskubre ang marijuana plantation sa likod ng bahay na kung saan nakatakas ang suspek.

Muling nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagka-aresto kay Crossland sa hide-out nito sa 584 Camella St., QM Subdivision, Baguio City.

Kasalukuyang nasa kostudya ng BID si Crossland at inaayos ang pagpapatapon dito pabalik sa US para harapin ang kasong kinakaharap nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGUIO CITY

BENGUET PROVINCIAL POLICE

CAMELLA ST.

CHIEF DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

CROSSLAND

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELETA TACIA

ILOCUS SUR

JOY CANTOS

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with