Kasama ng ginang ang kanyang pamilya ng kubrahin nito ang kanyang napanalunan kahapon sa PCSO. Ayon sa ginang personal lamang niyang pinili ang numerong 22, 35, 6, 27, 11 at 1 nang napadaan siya sa isang lotto station sa nasabing bayan buhat sa pamamalengke.
Plano umano ng bagong milyonarya na pumasok sa isang negosyo.
Samantala, may tumama din sa nagdaang megalotto draw noong Marso 2 na nagkakahalaga ng P 4.5M. Ito ay sa kombinasyong 19,13,17, 22,1 at 25. (Ulat ni Angie dela Cruz)