^

Probinsiya

25 pugante balik-kalaboso

-
Dalawamput lima mula sa kabuuang 61 bilanggo na nahaharap sa ibat-ibang kasong kriminal na tumakas sa Agusan del Sur Provincial Jail noong nakalipas na Miyerkules ng gabi ang nadakip na ng mga tumutugis na awtoridad sa isinagawang serye ng operasyon, kamakalawa hanggang kahapon ng umaga, ayon sa ulat.

Ito ang nabatid base sa ipinarating na ulat kahapon sa tanggapan ni PNP Acting Chief Deputy Director General Leandro Mendoza.

Sa kasalukuyan 36 pang mga bilanggo ang pinaghahanap, kabilang ang isang opisyal ng NPA na kinilalang si Noel Labial, alyas Kumander Masoy.

Kaugnay nito, nagpahayag ng paniniwala si Mendoza na maaaresto ang lahat ng tumakas sa susunod na mga araw at kinumpirma rin nitong nagpalabas na siya ng 24 oras na ultimatum para madakip ang mga ito.

Inatasan din ni Mendoza si Chief Supt. Fritz Quinanola, provincial police director na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang mabatid kung sinu-sino ang mga dapat na panaguting jailguards sa pagkatakas ng mga naturang bilanggo.

Inalerto na rin ang lahat ng police units sa Caraga Region, Northern at Southern Mindanao para magtatag ng road blockades upang mapadali ang paghuli sa mga pugante na nagbabalak na magtago sa iba pang mga karatig lalawigan.

Magugunitang sinamantala ng mga bilanggo sa cell no. 9 ang kalakasan ng buhos ng ulan na dito nila isinagawa ang pagpuga sa pamamagitan ng ginawang tunnel mula sa comfort room ng selda patungo sa national road.

Sa naganap na mass jailbreak, dalawang preso ang iniulat na nasawi na ito ay nakilalang sina Mario Libres at Rolando Mancia. Ang mga ito ay may nakabinbing kaso ng murder at rape. (Ulat ni Joy Cantos)

ACTING CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CARAGA REGION

CHIEF SUPT

FRITZ QUINANOLA

JOY CANTOS

KUMANDER MASOY

MARIO LIBRES

MENDOZA

NOEL LABIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with