^

Probinsiya

Rapist piniling makulong kaysa pakasal sa biktima

-
CAMARINES NORTE – May pagkakataon pa sana ang isang 21-anyos na lalaki na inireklamo nang panghahalay na makaligtas sa habambuhay na pagkabilanggo, kung pinanagutan o pinakasalan lamang niya ang kanyang naging biktima. Pero nagmatigas ito.

Ang hinatulan sa sala ni Judge Sancho Dames ll ng RTC Branch 38 ay nakilalang si Ricardo Grande, 21, ng Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa rekord ng korte, napag-alamang si Grande ay pangunahing suspect sa kasong panggagahasa sa 18-anyos na itinago sa pangalang Ria.

Nabatid na ang insidente ay naganap noong Agosto 21, 1997 na noon ang biktima ay 15-anyos pa lamang. Natutulog umano itong mag-isa sa loob ng kanyang kuwarto dakong alas-11 ng gabi ng biglang magising nang maramdaman na may nakadagan sa kanyang katawan at dahan-dahang inaalis ang saplot sa kanyang katawan.

Nakaranas ang biktima ng dalawang gabing pang-aabuso sa suspect.

Sa isinagawang paglilitis sa korte, sinabi ni Grande na walang panghahalay na naganap dahil sa isang taon na silang may relasyon ng biktima.

Sinabi naman ni Judge Dames na ang ganitong alegasyon ay hindi batayan upang mapawalang sala ang suspect sa kaso, kasabay nang pagdadahilang "A sweetheart cannot be forced to have sex against her will from a mere fiancee, definitely, a man cannot demand sexual submission and worse employ evidence upon her or a mere justification of love. Love is not a license for lust".

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo ay pinagbabayad pa ng korte ang akusado ng halagang P50,000 moral damages sa biktima.

Sinabi naman ng ilang kamag-anakan ng suspect, na kung pinakasalan na lamang nito ang biktima nang umabot ito sa tamang edad ay hindi na sana siya naghihimas sa rehas na bakal. (Ulat ni Francis Elevado)

AGOSTO

BATAY

CAMARINES NORTE

FRANCIS ELEVADO

JUDGE DAMES

JUDGE SANCHO DAMES

RICARDO GRANDE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with