P40M ransom, hingi sa dinukot na coed
March 2, 2001 | 12:00am
NAGA CITY Apatnapung milyong piso ang halaga ng ransom na hinihingi ng mga kidnaper sa pamilya ng dinukot nilang dalagang estudyante noong nakalipas na Martes ng gabi habang ito ay papauwi na sa kanilang bahay sa Concepcion sa lunsod na ito.
Ayaw namang magbigay ng kumpirmasyon ang pamilya ng biktimang si Maryann Tan, 20, estudyante ng Ateneo de Naga University, subalit ayon sa malapit na kamag-anak ng biktima na ayaw ng magpabanggit ng pangalan na P40 milyon nga ang hinihingi ng mga kidnapper.
Sinabi naman ni Supt. Elisear Bron na wala pang ulat na nakakarating sa kanilang tanggapan hinggil sa naturang hinihinging ransom, gayunman patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa naturang kaso.
"Mga local boys ang dumukot sa dalaga ", ani Bron na sinasabing sangkot sa sunod-sunod na kidnap-for-ransom na nagaganap sa lalawigan ng Camarines Sur. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended