Magsasaka natodas sa pagkain ng 'botete'
March 2, 2001 | 12:00am
TACLOBAN CITY Isang magsasaka ang iniulat na nasawi, habang apat pa nitong kapitbahay ang isinugod sa pagamutan matapos na kumain ng isdang botete kahapon sa Barangay Tolibao, Capoocan, Leyte.
Nakilala ang nasawi na si Celso Naldo, 43, may-asawa, habang nadala naman sa pagamutan ang kanyang mga kapitbahay na sina Cesar Ilatan at tatlo nitong mga anak.
Si Naldo ay namatay habang isinusugod sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City.
Sinasabi sa paunang ulat na ang mga biktima ay kumain ng isdang botete bilang ulam sa kanilang pananghalian.
Ang naturang kaso ay iniimbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources regional office sa lunsod na ito. (Ulat ni Nestor Abrematea)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended