^

Probinsiya

Sinunog na 2 bangkay hindi kina Dacer, Corbito

-
Inilabas na kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang resulta ng kanilang isinasagawang awtopsiya sa dalawang sinunog na bangkay ng lalaki sa lalawigan ng Cavite at lumalabas na hindi ito ang nawawalang si Salvador "Buddy" Dacer at driver nito na si Manuel Corbito.

Kinumpirma kahapon ng NBI-Region 4 na hindi ang nawawalang PR man at driver nito ang natagpuang dalawang sunog na bangkay ng lalaki na kasamang natusta sa loob ng isang Revo na natagpuan sa Barangay Bueno, Paliparan, Dasmariñas, Cavite.

Ayon kay Dr. Antonio Bertido, hepe ng Medico-Legal Division ng NBI Region 4 na malayong sina Dacer at Corbito ang dalawang sunog na bangkay dahil sa pagkakaiba sa kanilang physical structure.

Nabatid na nagkaka-edad lamang sa 25-35 ang dalawang nakuhang bangkay, lalo’t higit hindi rin nag-match ang kanilang dental rekord kina Dacer at Corbito.

Si Dacer ay 64-anyos na habang si Corbito naman ay tinatayang nasa 40-anyos.

Bukod sa pagkasunog, iniulat din ng medico-legal expert na tinadtad din ng saksak sa katawan ang dalawa.

Samantala, inihayag naman kahapon ni Chief Supt. Domingo Reyes, PRO4 director na dalawang anggulo ang kanilang sinisiyasat ukol sa kaso.

Ito ang posibleng onsehan sa droga at ang anggulo ng pulitika.

Sinabi ni Reyes na kanilang natukoy sa LTO kung sino ang nagmamay-ari ng sinunog na Revo na may plakang WHI-379. Ito ay nakarehistro sa isang Marian Dizon ng Navotas, Metro Manila.

Base sa nakalap na impormasyon ng pulisya ang nasabing sasakyan ay ginagamit ng isang alyas Doming Bayawak na nagagamit din sa ilegal na aktibidades.

Si Doming umano ay isang drug pusher na nagsu-supply ng droga sa Navotas at Cavite at ang nasabing sasakyan ang ginagamit sa operasyon.

Hindi naman nagbigay ng malinaw na dahilan si Reyes tungkol sa anggulong pulitika. (Ulat nina Ellen Fernando at Ed Amoroso)

BARANGAY BUENO

CAVITE

CHIEF SUPT

CORBITO

DACER

DOMING BAYAWAK

DOMINGO REYES

DR. ANTONIO BERTIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with