2 sunog na bangkay natagpuan sa loob ng sasakyan
March 1, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dalawang hindi pa nakikilalang sunog na bangkay ng lalaki ang natagpuan kahapon ng umaga ng mga tauhan ng pulisya sa loob ng sinunog ding Toyota Revo sa may Barangay Sampaloc III sa nabanggit na bayan.
Inaalam pa ng pulisya at ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) kung ang dalawang sunog na bangkay ay ang sa nawawalang PR man na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito.
Sa ipinarating na ulat ni Chief Inspector Nestor Mendoza, Dasmariñas Chief of Police sa tanggapan ni Cavite PNP provincial director Senior Superintendent Nestor Sanares na ang dalawang sunog na bangkay ay natagpuan dakong alas-6 ng umaga sa loob ng isang Toyota Model 2000 na na may plakang WHI-379 na nakarehistro sa isang Marian Dizon na inabandona malapit sa Governors Drive sa nasabing bayan. Hindi malaman kung anong kulay ang Revo dahil sa sunog na sunog din ito katulad nang pagkasunog ng dalawang biktima.
Ayon kay PO3 Cornelio Bugayong, may hawak ng kaso na naka-posas pa umano ang dalawang bangkay nang matagpuan sa likuran ng sasakyan.
Malaki rin ang paniwala ng mga awtoridad na pinahirapan muna ang dalawang biktima bago ito sinunog sa loob ng naturang sasakyan.
Bukod dito, may nakuhang mga kagamitan sa pag-golf sa loob ng sasakyan.
Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng magkasanib na puwersa ng pulisya at NBI para kilalanin ang dalawang biktima at alamin kung sino ang responsable sa naturang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended