20 chief of police sinibak dahil sa jueteng
February 28, 2001 | 12:00am
Dalawampung hepe ng pulisya sa Cagayan Valley ang sinibak sa tungkulin dahilan sa kabiguang sugpuin ang talamak na operasyon ng jueteng sa kanilang nasasakupan.
Ito ay matapos na ipangako ni PRO 2 director Chief Superintendent Rowland Albano base sa mahigpit na direktiba ng PNP Acting Chief Deputy Director General Leandro Mendoza na paigtingin pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa operasyon ng ilegal na sugal sa bansa partikular na ang jueteng. Kasabay nito, iniulat ni Albano na masusi siyang nakikipagkoordinasyon upang makipagtulungan sa PNP sa pagsugpo sa illegal gambling.
Nito lamang nakalipas na Lunes ay mahigit sa 23 police teams sa kabuuang 93 munisipalidad sa nasabing rehiyon ang idineploy upang masugpo ang naturang operasyon ng jueteng.
Binanggit pa nito na hindi sila mangingiming alisin sa puwesto ang sinumang opisyal na sa kanilang tingin ay hindi kumikilos para labanan ang jueteng sa lugar na kanilang nasasakupan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended