^

Probinsiya

Lola, tiklo sa tindang anti-anting na may halong shabu

-
ANTIPOLO CITY – Anting-anting na gamot at hindi shabu ang ibinebenta ko.

Ito ang paggigiit na ginawa ng isang 68-anyos na lola na nagpapalag nang husto matapos na dakpin ng mga pulis sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang addict, kamakalawa ng umaga sa Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Efren Yebra, hepe ng Antipolo police ang dinakip na lola na si Isabelita Olaybar, balo, at residente ng Barangay dela Paz, ng nabanggit na lunsod. Kasamang nadakip nito si Orlando Santos, 21, ng Barangay San Jose , matapos na maaktuhan ng mga pulis na bumibili ng droga kay lola Isabelita sa bahay nito.

Ayon kay Yebra, matagal na umano nilang minamanmanan si lola Isabelita dahil sa ilang tip na nagtutulak ito ng droga, dahil dito, isang buy-bust operation ang kanilang isinagawa dakong alas-11:45 ng umaga .

Isang pulis ang nagpanggap na buyer na nakasabay ni Santos sa pagbili ng dalawang gramo ng shabu.

Nang iabot na ng lolang suspect sa pulis ang droga ay agad itong pinosasan. Dito nagpapalag si lola Isabelita at ikinatuwirang hindi umano droga ang kanyang ibinebenta kundi isang uri ng pulbos na anting-anting para lumakas ang sinumang bibili nito.

"Ang modus operandi ng suspect ay magpanggap na isang herbal medicine vendor na nagtitinda ng anting-anting at kung anong agimat. Ang totoo ay talagang parang nakakalipad at lumalakas ang bumibili nito dahil sa tama ng droga", pahayag pa ni Yebra. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTING

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY SAN JOSE

DANILO GARCIA

DITO

EFREN YEBRA

ISABELITA OLAYBAR

ORLANDO SANTOS

YEBRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with