^

Probinsiya

Guro kinasuhan ng panggugulpi sa estudyante

-
DASMARIÑAS, Cavite – Posibleng mawalan ng trabaho ang isang guro ng mababang paaralan matapos na sampahan nang kasong child abuse ng kanyang estudyante na umanoy pinalo nito ng kahoy sa katawan at saka umano dinibdiban nang ayaw umamin na ito ang dumura sa sahig habang nagkaklase kamakailan.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o child abuse sa tanggapan ni Municipal Trial Court Judge Lorinda Mupas ay nakilalang si Estela Espiritu, guro ng Dasmariñas Bagong Bayan Elementary School.

Batay sa reklamo ng biktimang si Benedict Benevize, 10, residente ng Block 5,Lot 70, Bgy. San Antonio de Padua na noong nakalipas na Lunes dakong alas 10:00 ng umaga habang sila ay nagkaklase sa loob ng silid aralan ay may isa siyang kaklase na dumura sa sahig.

Dahil malapit lang sa kinaroroonan ng biktima ang dura ay agad na siya umano ang pinagbintangan ng suspek na agad naman nitong itinanggi.

Inutusan ng suspek ang biktima na punasan ito at pagkatapos na mapunasan ay lumapit sa una at hinampas ng isang kahoy at saka sinuntok pa sa dibdib na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng galos. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BAGONG BAYAN ELEMENTARY SCHOOL

BATAY

BENEDICT BENEVIZE

BGY

CAVITE

DAHIL

ESTELA ESPIRITU

MADING SARMIENTO

MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE LORINDA MUPAS

REPUBLIC ACT

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with