Ito ay sa kabila ng determinasyon ng pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maisulong ang nabalam na peace talks sa hanay ng mga MILF rebels.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naisakatuparan ng hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde ang panununog sa mamahaling kagamitan ng China Harbor Construction.
Nabatid na dakong ala-1 ng hapon ng maganap ang paghahasik ng karahasan ng grupo ng mga rebelde.
Mabilis na binuhusan ng gasolina ng mga rebelde ang nasabing mga kagamitan at saka sinindihan hanggang sa tuluyang maglagablab.
Matapos ang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde na dumaan sa may dalampasigan ng nasabing lugar.
Lumitaw sa pagsisiyasat na bago naganap ang insidente ay nakatanggap na ng extortion letter ang may-ari ng naturang kompanya subalit binalewala nila ito.
Naglunsad na ng malawakang operations ang magkakasanib na elemento ng Ipil Police Station at 102nd Brigade ng Phil. Army upang tugisin ang mga nagsitakas na rebeldeng MILF na responsable sa naganap na panununog. (Ulat ni Joy Cantos)