^

Probinsiya

7 katao patay sa banggaan, 14 pa sugatan

-
TACLOBAN CITY – Pitong katao ang nasawi, kabilang ang isang American national habang 14 ang nasugatan sa dalawang insidente ng banggaan na naganap sa Leyte at Eastern Samar.

Noong Sabado ng umaga ay bumangga ang isang pampasaherong jeep na may tatak na "Firefox" na may plakang HVA 278 na minamaneho ni Emilo Salas sa isang puno ng niyog.

Dalawa agad ang nasawi na nakilalang si Rosario Lavado, 52, ng Borongan at Rosa Raquel, 47, ng Balangkayan, Eastern Samar.

Habang ang nasa malubhang kalagayan ay ang magkapatid na Charito at Michelle Guttierrez; Zenaida Allaida; Rosita Balsada; Benjamin Raya; Eidto Boco; Roger Melendrez; Manilyn Mabao at Jelinita Dialino na kasalukuyang nasa Eastern Samar Provincial Hospital.

Sa Ormoc City naman lima ang nasawi kabilang isang American national at asawa nitong 18 anyos matapos ang kanilang sinasakyang multi cab ay sumalpok sa isang truck noong Biyernes.

Ang mag-asawa ay nakilalang si Josephee Evola, 53, ng St. Louisse, USA at asawa nitong si Elvira Tapar na kakasal pa lamang noong Valentines Day.

Kasama ring namatay sina Adelina Malinao, Rumulo Tapar at ang driver nilang si Gemilo Pagadora.

Ang limang sugatan ay nakilalang sina Aira Pagadora, 4; Vilma Pagadora; Madilyn Malinao at ang mag-asawang Maribel at Sebastian Zante.

Si Sebastian ang nagsama kay Evola sa Pilipinas para makapaghanap ng asawa at napangasawa nito si Tapar. (Ulat ni Ulysses Torres Sabuco)

vuukle comment

ADELINA MALINAO

AIRA PAGADORA

BENJAMIN RAYA

EASTERN SAMAR

EASTERN SAMAR PROVINCIAL HOSPITAL

EIDTO BOCO

ELVIRA TAPAR

EMILO SALAS

GEMILO PAGADORA

JELINITA DIALINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with