^

Probinsiya

American pedophile, nadakip

-
DAVAO CITY – Isang 57-anyos na American pedophile na sangkot sa sexual activities sa maraming menor de edad na kanya pang nilitratuhan at vinedeo para ikomersiyalismo.

Dinakip si Richard Butnes sa loob ng kanyang kuwarto sa Apo View Hotel dito, at nasamsam dito ang 77 piraso ng litrato ng mga hubo’t-hubad na kabataan, gayundin ang ilang pornographic videotapes.

Bukod, dito, kinumpiska rin sa naturang American pedophile ang dalawang Polaroid cameras at isang video camera at iba pang pornographic materials.

Kasama ring dinakip si Sherryl de Guzman, 26, kasama ni Butnes sa hotel at tatlong kabataan na nakatakda na namang biktimahin ng suspect.

Binanggit pa sa ulat na ang mga litrato at videotapes ay dinadala ni Butnes sa Estados Unidos at ibinebenta sa mga prospective customers.

Sinabi sa report na ang American national ay nagre-recruit ng mga menor na may gulang na 13 hanggang 21 sa ibat-ibang sex dens sa siyudad sa tulong na rin ni de Guzman.

Ang mga kabataang ito ay sinasabing binabayaran ng P1,000 bawat isa sa bawat isang sexual session.

Ang pagdakip kay Butnes ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Regional Trial Court Judge Virginia Europa. (Ulat ni Edith R. Regalado)

APO VIEW HOTEL

BINANGGIT

BUKOD

BUTNES

DINAKIP

EDITH R

ESTADOS UNIDOS

GUZMAN

REGIONAL TRIAL COURT JUDGE VIRGINIA EUROPA

RICHARD BUTNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with