Dahil sa x-rated tapes, lolo nanghalay ng lola
February 7, 2001 | 12:00am
Dahilan sa madalas na pagbabasa ng malalaswang babasahin at panonood ng mga X-rated tapes mistulang sinaniban ng masamang espiritu ang isang matandang lalaki makaraan nitong gahasain ang isang 73-anyos na biyudang lola na umanoy matagal na nitong pinagnanasahan sa Ozamis City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Luhaang dumulog sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Lola Iska upang ipagharap ng reklamo ang umabuso sa kanya na nakilalang si Fortunato Ronda, 61.
Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang suspect na si Ronda.
Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon sa mismong tahanan ng biktima sa Purok 3, Barangay Gango ng nasabing lunsod.
Lumitaw sa imbestigasyon na bago naganap ang insidente ay madalas umanong magkulong sa kuwarto si Ronda, na doon nagbabasa ng malalaswang magazine at nanonood ng X-rated tapes.
Isang araw matapos na ito ay manood ng X-rated tape ay pinasok nito ang bahay ni Lola Iska at isinakatuparan ang panggagahasa.
Ang naarestong rapist na lolo ay ipinagharap na ng kaukulang kasong kriminal ng Ozamis City Police. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Jorge Hallare | 20 hours ago
Recommended