^

Probinsiya

Nagtalo sa pera, basurero pinatay ng kabaro

-
ANTIPOLO CITY – Tinodas ng isang basurero ang kanyang kumpare na kapwa niya basurero matapos silang magtalo kung sino sa kanila ang mas malakas kumita sa pagbubungkal ng basura, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Antipolo Municipal Hospital ang biktimang si Walter Mendoza, 28, ng Sitio Dumpsite, Barangay San Luis, ng naturang siyudad bunga ng tinamong saksak sa kanyang katawan.

Samantala, tinutugis naman ang suspect na si Judy Radaito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman umano ang dalawang magkumpare dakong alas-11 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima.

Bigla na lamang nagtalo ang mga ito tungkol sa kung sino sa kanilang dalawa ang mas malakas kumita sa pagbubungkal ng basura.

Tumindi ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspect ay inundayan ng saksak sa katawan ang biktima .

Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTIPOLO MUNICIPAL HOSPITAL

BARANGAY SAN LUIS

BIGLA

DANILO GARCIA

JUDY RADAITO

MABILIS

SAMANTALA

SITIO DUMPSITE

TINODAS

WALTER MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with