^

Probinsiya

Misis, pinugutan ni mister dahil sa agimat

-
LIBMANAN, Camarines Sur – Sa paghahangad na magkaroon ng bisa ang kanyang suot na agimat nagawang pugutan ng isang mister ang kanyang misis sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mambulo sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Noemi Isagani, 40, at residente sa naturang lugar.

Samantala ang suspect ay kinilalang si Cristo Isagani, 42.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-11 ng gabi matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa.

Sa gitna nang pag-aaway ay bigla na lamang inundayan ng saksak ng mister ang biktimang misis at ng ito ay tumumba ay saka ito pinugutan ng ulo.

Ang pamumugot sa ulo ng biktima ay nasaksihan ng kanilang 4-anyos na anak na babae na kaagad namang tumakbo sa kanilang kapitbahay.

Nabatid mula sa mga kapitbahay ng mag-asawa na matagal na nilang napapansin na nawawala sa sarili ang lalaking Isagani.

Isang kuwintas umano ang suot-suot nito sa katawan na pinaniniwalaan niyang isang agimat na magbibigay sa kanya ng kapangyarihang maging immortal.

Naikukuwento pa nito na magkakaroon umano ng bisa ang agimat kung kaya niyang pugutan ng ulo ang kanyang misis.

Sa kasalukuyan, ang suspect na mister ay nakapiit sa Municipal Jail ng Libmanan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY MAMBULO

BATAY

CAMARINES SUR

CRISTO ISAGANI

ED CASULLA

ISAGANI

ISANG

LIBMANAN

MUNICIPAL JAIL

NOEMI ISAGANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with