Mister na pumalag sa pagkakadakip ng misis, tinodas ng pulis
February 6, 2001 | 12:00am
SAN RAFAEL, Bulacan Isang 49-anyos na negosyante ang iniulat na binaril ng tatlong ulit hanggang sa mapatay ng isang pulis, matapos itong pumalag nang tangkaing arestuhin ang misis ng una sa kasong illegal recruiter, kamakalawa ng tanghali sa Barangay Pulong Bayabas sa bayang ito.
Sa ulat na ipinalabas ni Supt. Buenaventura Viray, hepe ng PNP sa bayang nabanggit, nakilala ang nasawing biktima na si Gregorio Bernabe, ng nasabing lugar.
Nabatid sa ulat na ang pamamaril ay naganap dakong alas-12:00 ng tanghali nang magsadya sa bahay ng biktima ang pulis na nakilalang si SPO1 Emil Castillo, ng Pampanga PNP upang arestuhin nito si misis na umano ay nahaharap sa maraming kaso ng estafa.
Dala umano ng nasabing pulis ang isang warrant of arrest para sa misis ng nasawi. Nang makita ni Castillo ang kanyang pakay ay agad na pinosasan at pilit na inilabas ng bahay para dalhin sa himpilan ng pulisya.
Binanggit pa sa ulat na pumalag umano ang biktimang si Gregorio hanggang sa magkaroon ng mainitang pakikipagtalo sa pulis.
Nang hindi pumayag na dalhin ng nasabing pulis si misis ay kumuha ng patalim si mister at tinangkang saksakin si Castillo, dahilan naman upang pagbabarilin siya ng nabanggit na pulis.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa pulis. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest