Ang naturang bilang ang siyang iniulat ng Department of Health (DOH)- Regional Office III, sa isinagawang pagpupulong kaugnay sa patuloy na paglala ng problema hinggil sa nasabing isyu ng nakalalasong kemikal na iniwan ng mga Amerikanong sundalo sa mga base militar partikular sa dating Clark Air Base (CAB) sa Pampanga at Subic Naval Base sa Olongapo City.
Sa nasabing pagpupulong, hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kasalukuyang administrasyon ang P50 milyong pisong halaga ng pondo na ilalaan upang makatulong sa kasalukuyang paglilinis ng Phil. Task Force on Hazardous Wastes sa kanilang isinasagawang operasyon sa mga lugar kung saan kontaminado ng toxic waste partikular sa Clark at Subic.
Ayon naman kay DFA Assistant Director for United States Raymond Delfin na ang mga bumubuo ng nasabing task force ay nagmula pa sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na inatasang mangasiwa ng paglilinis sa toxic waste sa Clark at Subic.
Nabatid pa sa ulat ng DOH na may 300 pang mga pasyente na pawang mga biktima ng nakalalasong kemikal ang kasalukuyang nakaratay sa ibat-ibang pagamutan sa Pampanga at kasalukuyang nilalapatan ng lunas. (Ulat ni Jeff Tombado)