STD cases sa Iloilo, tumataas
February 2, 2001 | 12:00am
ILOILO CITY Dumarami ang STD (Sexual Transmitted Disease ) cases na naitala sa Iloilo City, base ito sa ipinalabas na year- end report ng Social Hygiene Clinic ng nabanggit na siyudad.
Base sa 2000 year end report ni Dr. Patria B. Inayan, medical specialist II ng Iloilo Social Hygiene Clinic ng Western Visayas Medical Center na nasa Barangay Tanza na kapansin-pansin ang lubhang pagtaas ng kaso ng Gonorrhea na naitala. Ito ay mula sa 1.1 % sa 3.7 % (1999-2000).
Base pa sa data na ipinalabas ng social hygiene clinic buhat 1994 hanggang 2000, ang nakalipas na taon ang may pinakamataas na kasong naitala.
" Sa taong 2000, umaabot sa 11,669 kaso ang ineksamin, 437 dito ang napag-alamang positibo", banggit pa ni Inayan sa kanyang 2000 year-end report.
Karamihan sa kasong naitala ng social hygiene ay mga kababaihan na karamihan ay mga registered at freelance sexual workers.
Binanggit pa sa pag-aaral na marami sa mga registered sex workers ay nasa gulang lamang na 20-24, single at nakaabot lamang sa high school. Ang mga ito ay tinatayang may 10 partner sa loob lamang ng isang buwan.
Samantalang ang mga freelance female sex workers naman ay nasa gulang na 20-24, nakaabot rin ng high school, dalaga at tinatayang may 28 partners sa loob ng isang buwan.
Sa panig naman ng mga kalalakihan ( kabilang dito ang mga bakla at callboys), tinatayang ang mga ito ay nasa gulang na 15-19, nakaabot din ng high school, binata at tinatayang may 42 sexual partners sa loob lamang ng isang linggo. (Ulat ni Leo Solinap)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended