^

Probinsiya

Basura ng Metro Manila tinutulan ng taga-Quezon

-
AGDANGAN, Quezon – Hindi pumapayag ang alkalde sa bayang ito at ang kanyang mga constituents na gawing tambakan ng basura na magmumula sa Metro Manila ang kanilang bayan.

Ito ang naging katugunan ni Mayor Augusto Pobeda makaraang magpalabas umano ng isang statement si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos na ang solusyon sa problema sa basura sa Kamaynilaan ay ilagay sa bayang ito na sakop ng ika-tatlong distrito ng lalawigan ng Quezon, at kung hindi rin umano magtatagumpay ang unang plano na i-segregate ang mga basura.

Bagamat wala pang pormal na pakikipag-ugnayan sa kanyang tanggapan ang MMDA na magiging tambakan ng basura ang kanilang bayan ay minabuti ni Pobeda na magtungo kaagad sa tanggapan ni Governor Wilfrido Enverga upang alamin ang ipinahayag ni Abalos.

Sinabi ni Pobeda na marami pang proseso na maaaring pagtuunan bago maaprubahan sa Sangguniang Bayan ang planong ito bukod pa sa may umiiral na batas ngayon sa lalawigan ng Quezon na nagbabawal sa lahat ng lugar na maging tapunan ng basura partikular na kung ito ay manggagaling sa Metro Manila. (Ulat ni Tony Sandoval)

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

GOVERNOR WILFRIDO ENVERGA

MAYOR AUGUSTO POBEDA

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

POBEDA

QUEZON

SANGGUNIANG BAYAN

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with