Senglot na lalaki todas sa gulpi
January 31, 2001 | 12:00am
ANGONO, Rizal Pinatay sa gulpi ng apat na magkakamag-anak na lalaki ang isang lasing na lalaki na aksidenteng nakabangga sa isa sa mga suspect, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Patay na nang isugod sa Angono General Hospital ang biktimang si Danilo Serrano, ng Brgy. Sto. Niño, Angono, Rizal.
Nakilala naman ang mga naarestong suspect na sina Eustacio Lopez, 62; anak niyang si Gerald, 39 at dalawang apo na sina Ruel, 21 at Ferdinand, 16, pawang mga residente ng Brgy. Kalayaan ng bayang ito.
Bukod kay Gerald Lopez, naaresto ng pulisya ang mga suspect habang tinatangkang tumakas ng mga ito.
Sa ulat ng pulisya, nakikipag-inuman umano ang biktima sa dalawa niyang barkada sa tapat ng isang tindahan sa lugar ng mga suspect nang aksidenteng mabangga nito ang bumibiling si Ruel.
Isang pagtatalo ang namagitan ngunit agad rin naman itong napayapa ng kanyang mga kasamahan sa inuman.
Sandaling umalis si Ruel ngunit bumalik rin kasama ang tatlo niyang kamag-anak kabilang ang kanyang lolo na pawang armado ng mga tubo at dos-por-dos.
Walang nagawa ang grupo ni Serrano nang maunahan silang paghahampasin ng mga suspect at hindi tinigilan hanggat hindi sila duguang bumabagsak. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest