Simbahan nilooban; antigong rebulto tinangay
January 28, 2001 | 12:00am
PADRE GARCIA, Batangas - Isang simbahan sa Batangas ang ninakawan ng antigong rebulto ng hindi nakikilalang mga suspect, kamakailan sa bayang ito.
Ayon kay Senior Insp. Dante Novicio, hepe ng Padre Garcia police station, ninakawan ang simbahan ng Most Holy Rosary Parish Church matapos puwersahin at lagariin ng mga magnanakaw ang tagilirang bintana nito.
Tinangay ng mga suspect ang rebultong may 120 taon na ng ‘crucified Jesus’ at dalawang gintong kopa, ayon naman kay Fr. Alex Magtibay, kura-paroko sa nabanggit na simbahan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-5 ng madaling-araw nang pasukin ito ng tatlo hanggang apat na katao, katulong ang isang bata na naunang pumasok at dumaan sa masikip na butas ng bintana bago binuksan ang pinto ng simbahan.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol sa naganap na nakawan. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest