^

Probinsiya

Lalaki nagpakamatay matapos patayin ang ka-live-in

-
Isang lalaki ang nagpatiwakal matapos barilin at mapatay ang kanyang live-in partner bunga ng matinding selos sa loob ng kanilang tinitirhang apartment sa Tetuan, Zamboanga City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ian Quijano at ang ka-live-in nito na si Jona Uayan, 23, ng Olutanga, Zamboanga del Sur.

Si Uayan ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na siya nitong dagliang ikinasawi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11 ng gabi nang marinig ng mga kapitbahay ng dalawang nasawi ang malakas na alingawngaw ng putok ng baril at ito ay nasundan pa ng isang malakas na putok sa loob ng tinitirhan nitong apartment sa Marquez Compound sa Don Toribio St., Tetuan, Zamboanga City.

Lumilitaw na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Uayan at Quijano matapos umanong magselos ang huli sa kanyang live-in partner na umano’y may lalaking iba maliban sa kanya.

Bunga ng matinding selos sa nasagap na tsismis, nagpasya si Quijano na kitlin ang buhay ni Uayan sa halip na pakinabangan pa ito ng ibang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril dito.

Matapos mapaslang ang babae ay itinutok rin nito ang baril sa kanyang sentido at saka nagpakamatay. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

DON TORIBIO ST.

IAN QUIJANO

JONA UAYAN

JOY CANTOS

MARQUEZ COMPOUND

QUIJANO

SI UAYAN

TETUAN

UAYAN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with