Amok: 3 CAFGU patay, 2 pa sugatan
January 20, 2001 | 12:00am
Tatlong miyembro ng CAFGU ang iniulat na nasawi, habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang mag-amok ang isa sa nasawi na pinaniniwalaang may war shock sa loob ng binabantayan ng mga itong detachment sa Pinukpuk, Kalinga, kamakalawa.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang mga biktimang sina Alivino Milanes at Peter Bawenta. Nasawi rin sa insidente ang nag-amok na si Francisco Singabo matapos na barilin nang tuluyan ng kanyang mga kasamahan dahilan sa hindi na nila masawata ang pagwawala nito.
Nakilala naman ang mga grabeng nasugatan na sina CAA Vicente Milanes at Fidel Bengcan. Ang mga itoy mabilis na isinugod sa Pinukpuk District Hospital.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa detachment ng 23rd Kalinga CAA Company sa ilalim ng Armys 21st Infantry Battalion na nakabase sa Sitio Tappo, Apatan, Pinukpuk ng nabanggit na lalawigan.
Nabatid na mahimbing na natutulog ang tropa ng CAFGU na nasa detachment nang bigla na lamang magsisigaw si Singabo kasunod na nito ang pagpapaputok ng baril na agad na ikinasawi ng dalawa niyang kasamahan.
Dahil dito, napilitan na ang kanyang mga kasamahan na paputukan na si Singabo.
Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am