^

Probinsiya

Rape vs Surigao Gobernor binasura ng DOJ

-
Dahil sa kakulangan ng ebidensiya, ipinawalang saysay kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang kasong rape laban kay Surigao Governor Primo Murillo.

Sa labing-anim na pahinang resolution na ipinalabas ni State Prosecutor Raul Paul Hernandez, sinabi nito na hindi naging matibay ang iprinisintang ebidensiya ng biktimang itinago sa pangalang Michelle.

Idinagdag pa ni Hernandez na hindi naging magkakatugma ang ibinigay na salaysay ng biktima kung kaya’t ito’y di pinaniwalaan ng prosecution.

Magugunita na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong rape laban kay Gov. Murillo noong Hulyo 11, 2000 makaraang magsumbong ang biktima kasama ang ina nito.

Sinasabing ang insidente ay unang naganap noong Hunyo 25, 1999 sa Aberdeen Court, kung saan inimbita umano ni Gov. Murillo ang biktima na magtungo sa SM City upang bumili ng tennis racket, ngunit dinala umano siya ng suspek sa nabanggit na lugar at doon isinagawa ang panghahalay.

Ang insidente ay nasundan pa umano noong Hulyo 29 at Agosto 1999 sa Shangrila Hotel, Mandaluyong City at dahil dito’y napilitan na umanong magsampa ng kasong rape ang biktima.

Kasabay din nito, ibinasura din ng DOJ ang kasong perjury na isinampa ni Gov. Murillo laban sa biktima at sa ina nitong si Minerva Espinosa dahil din sa kawalan ng matibay na ebidensiya. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ABERDEEN COURT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

HULYO

MANDALUYONG CITY

MINERVA ESPINOSA

MURILLO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHANGRILA HOTEL

STATE PROSECUTOR RAUL PAUL HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with