RP-US military exercise sisimulan bukas
January 17, 2001 | 12:00am
Nakatakdang idaos ang joint military exercise sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Estados Unidos simula bukas hanggang sa ika-5 ng Pebrero sa Air Force City, Clarkfield, Pampanga at sa Subic Bay, Olongapo.
Ayon kay Col. Manuel Natividad, assistant chief of staff for education and training na ang naturang pagsasanay ay tatawaging Teak Piston 01-2. Ito ay lalahukan ng may 203 piling mga tauhan ng Phil. Air Force, habang 200 miyembro naman ang magmumula sa 353rd Special Operations Group ng United States Air Force.
Sinabi ni Natividad na ang labing-walong araw na pagsasanay ay sasaklaw sa pagtalakay ng mahalagang aspeto ng Air Intercept, Airborne Operations at C-130 operations. Napag-alaman na apat na aircrafts mula sa PAF ang gagamitin sa pagsasanay habang limang eroplano naman ang ipapadala ng USAF.
Inaasahan anya na sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, mas mapapalawig ng mga kawal ng hukbong himpapawid ang kanilang kaalaman sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Inatasang over-all director ng military exercise si Col. Diego Dasallas.
Ang gagawing exercise ay ang ikalawang pinakamalaking joint combined military exercise na gaganapin sa bansa matapos ratipikahan ang Visiting Forces Agreement. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended