^

Probinsiya

Dalaga nanlaban sa rapist, tinodas

-
DAET, Camarines Norte - Isang 23-anyos na dalaga na pinaniniwalaang nanlaban sa rapist ang sinaksak hanggang sa mapatay kamakalawa ng umaga sa Purok 2, Brgy. Cobangbang sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Evelyn Macilla at residente ng nasabing brgy. habang ang suspek na mabilis naman nasakote at nakapiit sa Municipal Jail ng Daet ay nakilalang si Felimino Constantino, 32, may asawa at kapitbahay ng biktima sa naturang brgy.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinamantala ng suspek na nag-iisa ang biktima sa loob ng bahay dakong alas 7:30 ng umaga, kamakalawa.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na tinangka umanong gahasain ng suspek ang biktima subalit nanlaban ito kaya sinaksak ng itak sa tiyan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Iniwan na lamang ng suspek ang biktima na naliligo sa sariling dugo sa loob ng bahay bago natagpuan ng mga kasambahay.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, mabilis namang nasakote ang suspek sa hindi nabatid na lugar at kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BRGY

CAMARINES NORTE

COBANGBANG

DAET

ED CASULLA

EVELYN MACILLA

FELIMINO CONSTANTINO

INIWAN

ISANG

MUNICIPAL JAIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with