Kinilala ang nasawing lider ng sindikato na si Duwao Panalunsung, alyas Kumander Aguila.
Ang napatay na sundalo ay nakilala namang si Sgt. Ferdinand Largosta, miyembro ng Phil. Marines na napuruhan sa pakikipagbarilan sa grupo ni Kumander Aguila ng pigilan niyang makatakas ang mga ito.
Nakilala naman ang sugatang pulis na si SPO3 Diosdado Manapsal na tinamaan sa batok.
Batay sa ulat, dakong alas-6 ng gabi kamakalawa ng magpang-abot ang magkasanib na elemento ng militar at pulisya at grupo ng kidnap-for-ransom na pinamumunuan ni Kumander Aguila sa bisinidad ng Purok Kalye Putol, Quezon Avenue sa nasabing lungsod.
Ang palitan ng putok ay tumagal ng ilang minuto hanggang sa bumulagta si Aguila na naibandona ng mga nagsitakas niyang tauhan.
Base sa rekord ng militar ang grupo ni Kumander Aguila ang responsable sa mga insidente ng kidnapping sa Cotabato City at sa lalawigan ng Maguindanao.
Bukod dito, sangkot din umano ang grupo ni Aguila sa aktibidades ng gun-for-hire.
Nagpapatuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga operatiba laban sa mga nalalabi pang miyembro ng sindikato. (Ulat ni Joy Cantos)