Nakilala ang mga nasawi na sina Abdol Malic, 30 at Perfecta Borja, 45.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang aksidente dakong alas-3 ng madaling-araw habang ang naturang pampasaherong bus ay patungo sa Sorsogon ng maganap ang sakuna. Nabatid na ang Isarog Bus na minamaneho ni Marcos Marco galing Manila ay bumabagtas sa nabanggit na highway nang biglang mag-over take sa nasa unahang sasakyan nang mawalan ng kontrol dahilan upang ito ay gumewang hanggang sa tuluyang bumaliktad sa gitna ng kalsada.
Agad na nasawi ang dalawang biktima, habang isinugod naman sa ibat-ibang pagamutan ang mga sugatan. (Ulat ni Ed Casulla)