^

Probinsiya

Bulkang Mayon nag-aalburoto

-
LEGAZPI CITY – Itinaas muli kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level number 2 sa bulkang Mayon matapos na ito ay muling magpakita ng abnormal na aktibidades.

Ayon kay PHIVOLCS director Raymundo Punongbayan sa ipinaabot nitong sulat sa Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) na posibleng muling magkaroon ng pagsabog ang bulkang Mayon.

Napag-alaman na kamakalawa ng hapon ay muling nagpakita ng abnormal na aktibidades ang naturang bulkan kung kaya ito ay patuloy na minamatyagan ng mga volcanologist.

Nabatid na nagkaroon ng lava dome build sa bunganga ng bulkan na katulad nang nakita ng mga volcanologist bago ito pumutok noong nakalipas na Pebrero ng nagdaang taon.

Sinabi ni Ed Laguerta na base sa kanilang nakuhang mga larawan sa bulkan nitong nakalipas na araw at larawan na kinuha kamakalawa ay kanilang naobserbahan na ang lava dome ay nasa bunganga na ng Mayon.

Sa isinagawang pagpupulong sa Regional Disaster Coordinating Council kahapon ng umaga sa pangunguna ni NDCC Chairman at Defense Secretary Orly Mercado na kaagad na inalerto ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa napipintong pagsabog ng bulkan.

Sa kasalukuyan ay patuloy na ipinatutupad ng mga awtoridad ang 6 kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Nakaantabay na rin ang mga tauhan ng militar at pulisya para sa mabilisan na paglilikas sa mga residente sa paanan ng bulkan sakaling tuluyang mag-alburoto ang nabanggit na bulkan.

Magugunitang huling sumabog ang bulkang Mayon noong nakalipas na Pebrero ng nagdaang taon. Ang pinakamatindi nitong pagsabog ay naitala noong Pebrero 1, 1814 na pumatay sa mahigit sa 2,000 katao sa Bicol region. (Ulat ni Ed Casulla. May dagdag ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BULKAN

DEFENSE SECRETARY ORLY MERCADO

ED CASULLA

ED LAGUERTA

MAYON

PEBRERO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

RAYMUNDO PUNONGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with