Sa 21-pahinang naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 56 sa naturang lugar, inayunan ng Korte Suprema ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban kina Antonio Salonga at sa mag-pinsan na sina Alfredo at Eduardo Salonga na nagkasala sa kasong rape with homicide.
Batay na rin sa mga ebidensiya at testamento ng mga nakasaksi sa karumal-dumal na krimen, ang biktima na itinago sa pangalang ‘‘Rosemarie’’, 13, estudyante ng Barangay Sinait, Gerona sa lalawigan ng Tarlac ay paulit-ulit umanong ginahasa at pagkatapos ay walang-awang pinagsasaksak ng tatlong akusado noong Nobyembre 10, 1994 bago itinapon ang bangkay sa isang ilog ilang kilometro ang layo mula sa bahay ng nabanggit na biktima.
Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad sa mga magulang ng biktima ng tig-100,000 bilang civil indemnity; P18,000 bayad para sa actual damages at tig-P50,000 naman para sa moral damages. (Ulat ni Jeff Tombado)