Ito ang isinagawang pagbubunyag sa isang panayam kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Chief Superintendent Roberto Calinisan.
Sinabi pa ng opisyal na ang NPA ay isa sa mga well equipped o bihasa sa ibang paksyon ng mga rebelde sa bansa sa paggawa ng mga plano ng asasinasyon sa mga high profile political figures subalit minaliit nito ang kakayahan ng rebeldeng grupo na manguna sa asasinasyon ng mga nabanggit na opisyal.
Inamin din ni Calinisan na ang mga nakuhang mga dokumento ng pulisya mula sa ilang serye ng pagsalakay sa mga kampo ng NPA ang susi upang matuklasan ang planong assassination laban sa Pangulo at sa iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Subalit ayon pa kay Calinisan na ang maraming beses na pagkabigo sa pagtatangka sa buhay ng mga matataas na opisyal ay bunga din naman ng walang humpay at pinag-ibayong intelligence gathering ng pinagsanib na puwersa ng PNP at militar. (Ulat ni Jeff Tombado)