Konsehal tinodas ng anak ng mayor
January 5, 2001 | 12:00am
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang municipal councilor makaraang pagbabarilin ng anak ng isang mayor sa naganap na karahasan sa Barangay Pulot, Lagayan, Abra, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Leonardo Parado, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Lagayan.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Jenjen Luna, anak ni Mayor Cecilia Luna ng nabanggit na bayan.
Sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Crame, dakong alas-5 ng hapon ng maganap ang insidente.
Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na kasalukuyang lulan ng isang pampasaherong jeepney ang biktima na minamaneho ni Felipe Molina sa kahabaan ng Sitio Baybayin, Barangay Collago sa nasabi ring bayan ng harangin ng isa pang jeepney na minamaneho naman ni Boy Bersamera sakay ang suspect.
Nang magkalapit ang dalawang sasakyan ay agad na pinaputukan ni Luna ang biktima.
Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod na siya nitong agarang ikinamatay.
Agad namang tumakas ang salarin matapos ang isinagawang pamamaslang.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga elemento ng Lagayan Municipal Police Station laban sa suspect upang mapanagot ito sa batas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended