PNP operations vs kuta ng NPA rebels, patuloy
January 4, 2001 | 12:00am
INDANG, Cavite - Patuloy ang malawakang operasyon ng mga tauhan ng pulisya sa bayang ito sa magubat na lugar ng Barangay Daine at karatig lugar kaugnay sa pinaniniwalaang pinagkukutaan ng grupo ng Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP-NPA).
Ito ay matapos na makatanggap ng intelligence report ang hanay ng pulisya rito na umanoy isang barangay ang ginagawang hide-out ng grupo ng CPP-NPA.
Magugunitang noong nakaraang Lunes isang grupo ng mga armadong kalalakihan ang naka-engkuwentro ng mga awtoridad. Tumagal ang labanan ng may ilang minuto na dito isang rebelde ang iniulat na nasawi.
Nakilala ang nasawing rebelde na si Ireneo Cubilla, samantalang nadamay naman sa putukan si Joseph Salazar, 37, residente sa nabanggit na barangay.
Malaki ang paniwala ng pulisya na naglulungga pa rin sa naturang lugar ang mga rebelde para muling maghasik ng karahasan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest